Posts Tagged ‘suppression of information’

Warrant of Arrest Menorca

[NOTE: The one they arrested for libel (1/ 19/2016) is Lowell Menorca II, former INC minister, but the one on warrant of arrest is Lowell Menorca III. Below is ABS-CBN”s Ted Failon interviewing].

Ted Failon: Pwede bang makuha yung pangalan ng … yung pangalan ng pulis ngayon diyan. Ano ang pangalan niya, ano ang rango niya, anong presinto siya.

On Phone: Sir ano po ang pangalan nyo sir? Ano pong pangalan po ninyo?

 Supt. Ed Leonardo.

Ted Failon: Anong istasyon? Anong presinto?

On phone: Ano daw pong istasyon? Presinto?

Supt. Ed Leonardo: Police Station 10 po.

Ted Failon: Police Station 10. Pwede bang matanong si Police superintendent? Ano ang hawak niyang papel ngayon para arestuhin ka?

On phone: Ito po, sandali po.

Supt. Ed Leonardo: Opo sir.

Ted Failon: Magandang umaga po sir, Superintendent. Ano po ang inyong basehan para po arestuhin si Lowell Menorca?

Spt. Ed Leonardo: Meron po kaming warrant galing po ng Marawi City.

Ted Failon: Marawi City?

Spt. Ed Leonardo: Opo.

Ted Failon: Ano pong paglabag?

Spt. Ed Leonardo: Libel lang naman po ang kaso niya at bailable naman. Kaya lang, nung sine-serve eh nagkaroon po ng commotion dahil nanlaban po yung mga kasama niya pati siya.

Ted Failon: Opo. Kasi po, ang clain po ni Lowell, eh meron pong mga hindi naka unipormeng pulis na sumunggab sa kanya. Siguro naman po natakot yung tao.

Spt. Ed Leonardo: Para lang po iyon makalapit pero nakapalibot po yung mga naka unipormeng pulis. Meron pong mga body guard siya.

Ted Failon: Pero sandali lang, bakit ho kayo magpapalapit ng hindi naka uniporme. Di ho ba mas tama, mas dapat o tama na ang lalapit ay naka uniporme?

Spt. Ed Leonardo: Hindi po. Ang pag monitor po sa kanya ay naka civilian po na mga pulis natin para po hindi siya makahalata na merong pulis dahil po may warrant siya. Baka maaaring mag i-wave siya ng arrest o [Not audible]. Nung inaresto na po siya eh puro naka uniporme na po ang nakapalibot sa kanya. At nung binabasa po yung warrant na sini-serve sa kanya, inagaw po nung babae at sinampal pa yung pulis. Yun ang masaklap dito. Tapos gumawa po sila ng commotion para hindi siya mahuli.

Ted Failon: Sinampal ho yung pulis?

Spt. Ed Leonardo: Opo. Sinampal po nung babae na matanda.

Ted Failon: Yung naka unipormeng pulis, sinampal?

Spt. Ed Leonardo: Hindi po naka uniporme yung pulis.

Ted Failon: Yun nga po, kasi kung ikaw man din, di ba, kung ikaw man din po kasi ang may mga pagbabanta sa buhay, susunggaban ka ng mga naka civilian na tao, palagay ko naman, mauunawaan naman po ninyo, supt, di ba, matatakot ka rin?

Spt. Ed Leonardo: Opo naintindihan po namin yun. Kaya naman po nagpakilala agad. At nung lumapit ay naka palibot naman po ang mga pulis nan aka uniporme na katunayan na mga legal po na mga awtoridad ang dumadakip sa kanya.

Ted Failon: Sige po. Ngayon po, supt, kayo ho ba ay sumisiguro ho ng kaniyang seguridad?

Spt. Ed Leonardo: Opo. Ako po mismo ang sasama sa kanya, dadalhin po namin siya sa istasyon para po idokumento. At kung gusto niyang mag piyansa, eh right po niya yan, eh sasamahan pa rin po namin siya para makapag piyansa. Yun lang po. Wala pong masamang plano sa kanya kundi mai-serve lang po yung warrant. Yun lamang po.

Ted Failon: Kayo ho ba ay miyembro ng Iglesia din, spt.?

Spt. Ed Leonardo: Opo. Opo. Ako’y tinawag lang para sumunod dito.

Ted Failon: Kayo po’y miyembro din ng Iglesia ni Cristo?

Spt. Ed Leonardo: Opo. Opo. Member po ako.

Ted Failon: Opo, kasi po, I hope you don’t mind me saying this, siyempre po, di ho ba, alam po naman ninyo ang nangyayari po sa inyong simbahan, may away. Hindi ho ba? So…

Spt. Ed Leonardo: Yun pong mga bagay na yun, eh… hindi ko na po pupuwedeng makipag discuss sa inyo yung mga bagay na yan.

Ted Failon: Kaya nga po, kaya nga po, but with all due respect, Supt., siguro nauunawaan naman din po ninyo, yung hinuhuli po, itiniwalag ninyo – ng inyo pong simbahan, meron po silang alitan po sa inyong mga pinuno, kayo po ay miyembro ng Iglesiang aktibo, but… you know what I am saying, right?

Spt. Ed Leonardo: Naiintindihan ko po yung iniisip ninyo. Pero nandito para po i-serve lang po yung warrant.

Ted Failon: Yes sir, opo, opo. Opo, sige po, Supt. , ang atin lang po lamang yung safety ni G. Menorca at mabigyan po ng siguridad po yung tao at yun pong kanyang karapatan po naman ay mabigyan po ng proteksiyon. Salamat po, Supt.

 Spt. Ed Leonardo: Maraming salamat po, Sir Ted.

 

Source: ABS-CBN News 
Published on January 19, 2016
Link: https://www.youtube.com/watch?v=E3awSlZo4RE&feature=youtu.be
[Interview by Ted Failon]
Transcribed by Florafe Corotan
Advertisements

Corruption is abetted by secrecy, opacity, and suppression of information, the ZTE deal, ‘Hello Garci,’ fertilizer scam, North Rail, C-5, and so many other sensational cases all substantiate this theme.

We are aware of the several social legislation that the (Gloria Macapagal) Arroyo had passed, strengthening human rights stature. But numbers are relative, and reputations are often tarnished by the timing of even one false move, one failure. And this administration disappoints tremendously with its nonchalance in burying the FOI Bill.

Corruption is abetted by secrecy, opacity, and suppression of information, the ZTE deal, ‘Hello Garci,’ fertilizer scam, North Rail, C-5, and so many other sensational cases all substantiate this theme. In a system of governance which allows the establishment of an allowance to self-correct and to rectify, I have to say that the FOI bill would have been the most trite and obvious solution to rampant corruption. And despite that, congress snuffed it out by a show, not of votes, but by mere implication, by procedure, wrought by those in absentia. It failed because of truancy. – CHR Chair Leila Delima (PhilStar, 6/11/2010)